Wednesday, October 29, 2008

-Shy Girl si Chew-


Nakatayo sa harap mo
Apat na taon na ata akong nandito
Bakit hindi mo Makita
Ang pag-ibig ko sa’yo?!

Ayoko nang maghintay pa
Inip na inip na ako
Ang makasama ka ay langit
Pero isa ring parusang malupit

Galit ata ang langit sa akin
Hindi alintana ang dalangin
Makapiling ka at makasama
Kinukutya ng tadhana.


Mahal kita! Mahal kita!
Hindi pa ba halata?!
Kailangan ko pa bang sabihin
Hindi mo ba pansin?!

Tuwing ika’y malapit
Halos sumabog aking dibdib
Sa lakas ng pintig nanlalambot
Nanginginig.

Bulag ka ba o tanga
Nakakainis kana talaga!
Hahalikan ba kita o sisipain
Bakit kasi ang tagal mong dumating?!

No comments: