Thursday, October 30, 2008
boyfriend ng bestfriend
Naranasan mo na ba na gustong-gusto mo ang isang tao, ngunit dahil sa wala kang tiwala sa iyong sarili ay ipinagsasa-isang tabi mo na lang ang iyong tunay na nadarama? At naranasan mo na ba ang matinding panghihinayang ng malaman mo na gusto ka rin nya ngunit mayroon na syang iba? O ang pakiramdam ng pagkakilig tuwing kayo’y magkasama, at ang matinding selos pag sila’y magkasama? Naramdaman mo na ba ang sarap ng pagmamalasakit nya? At ang sakit pag naalala mong ‘di mo na sya pwedeng makuha? Mahirap malagay sa ganitong sitwasyon lalo na kung kailangan mong pumili sa pagitan ng kaibigan at relasyon. Mahal mo sya at mahal ka nya, ngunit may nagmamay-ari ng iba sa puso nya……
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment