Wednesday, October 29, 2008

...nadevelop lang naman...

Nagsimula sa biruan, nauwi sa totohanan.
Paano ko ngayon tatakbuhan ang damdamin ko sa’yong naka tato na sa aking isipan?
Nang hawakan mo ang aking kamay nadama ko ang alagang hinahanap ko na ng kay tagal.
Nang tignan mo ako sa aking mga mata, nakita ko ang walang hangang pagsinta.
At ng halikan mo ako nahulog ng tuluyan sa’yo.

Ngayon, sabihin mo papaano kita iiwanan kung ikaw ang s’yang hinahanap ng aking kalooban? Paano kita lilimutin kung ikaw ang s’yang sigaw ng isipan?
Paano kita mamahalin gayong langit ang s’ya mismong humahadlang?
Kinasasabikan ko ang Makita ka. Inaasam kong makapiling ka.
Pangarap ko ang ibigin ka. Ngunit alam kong sakit lamang ang s’yang madarama.
Mali ang ikaw ay ibigin ko. Subalit matinding kalungkutan naman kung ako’y lalayo.

No comments: