Ang hirap, ang sakit, nakaka-asar, nakaka-inis!
Bakit ba kasi hinayaan kong mahulog sa’yo?! Dapat nilabanan ko ang damdamin ko!
Hindi kita mahal pero ikaw ang gusto ko! Naguguluhan na ang utak ko! Natotorete na ako sa’yo!
Ayokong maging tayo pero naaadik na ata ako sa’yo! Hindi ako sanay ng ganito, yung hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Lagi kitang naaalala, nagmumukha na akong tanga!
Saan ako nagkamali? Saan ako sumablay?
May plano ba akong dapat sundan na nakalimutan ko lang?
Natatakot akong saktan ka, natatakot akong iwan ka. Kaibigan lang ba kita o higit pa? Pwede bang kunwari hindi na lang tayo nagkakilala?!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment