Thursday, October 30, 2008

lokohan

ang hirap ang sakit
ang hapdi ang lupet
gusto ko ako ang piliin mo
gusto ko ako ang nasa tabi mo
gusto ko ako ang mahalin mo
gusto kong makasama mo ko
pero hndi kita kayang ipaglaban
hndi kita kayang ipagtangol
ikaw lang ang nais ko
sinisigaw nitong puso ko
dinadalangin ko ng patago
inaasam-asam ko

para akong unti unting pinapatay
tuwing katabi mo sya
para akong unti-unting nalulusaw
tuwing sya ang iyong kasama.
ang iyong mga halik at yakap
lagi kong hinahanap
mga nakaw na sandali
ninanais ko nang angkinin
paano ko makukuha
paano mapapasaakin
ang pag-ibig na hndi naman laan sa akin

hangang dito na lang ako
paalam na lang sa’yo.
wala na akong lakas para magpatuloy pa
titigilan ko na lang ito
tatalikod at lalayo

tapos

tatawagin mo ulit ang pangalan ko
habang humahakbang sa’yo ng palayo.
Isa nanamang kasinungalingan
Isa nanamang kalokohan
Patakbo nanaman akong yayakap pabalik sa’yo
Magpapaloko, magpapauto….


No comments: