Wednesday, October 29, 2008

Hinagpis ng Damdamin




















Sa pag liwanag ng langit bumabalik ang aking sigla
Galing sa pait ng pagdadalamhati tuwing lumilisan ang umaga
Dahil sa pagdilim ng paligid naaalala kita
Ang mga panahon na tayo’y naging masaya
Ang mga sandaling nandyan ka pa

Pangarap ko ang muli madama ang saya
Pangarap ko ang muling makita ka.
Ngunit ang lahat ay tapos na
Hindi na muling maibabalik pa

Tangap man ng aking isipan ang iyong paglisan
Pilit naman itong tinatakbuhan ng aking kalooban
Ang aking mga awitin na dati’y kay tamis
Lahat ng ito’y napalitan ng pait at hinagpis.

Hangang kailan bago kita malimutan
Hangang kailan ang aking paghihintay
Ang hindi kayang imutawi ng aking labi
Ang siya namang sinisigaw ng aking dibdib.

No comments: